Delivery boy arestado sa panghahalay sa 7-taong gulang

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2017 08:55 AM

MANILA - Inaresto ang isang delivery boy matapos umanong halayin ang isang 7-taong gulang na babae sa Barangay 12, Caloocan Sabado.

Ikinuwento ng bata na hinawakan umano siya sa maselang bahagi ng katawan ng suspek na si Vincent Amor, 36, nang mag-deliver ito ng tubig sa kanilang bahay, ayon kay Barangay Chairman Alfredo Dacles.

Nagsagawa ng operasyon ang barangay katuwang ang Caloocan police upang matunton ang suspek.

Itinanggi pa ni Amor noong una ang paratang, ngunit kalauna'y inamin din ang krimen.

Nahaharap si Amor sa kasong rape at child abuse. -Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.