PatrolPH

Piloto nakaligtas sa pagbagsak ng spray plane sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2021 03:44 PM

Mula sa Maco police
Mula sa Maco police

MACO, Davao de Oro— Nakaligtas ang isang piloto matapos bumagsak ang minamanehong spray plane sa Barangay Pangi sa bayang ito Miyerkoles ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Maco police, nagsasagawa ng aerial spraying sa plantasyon ng saging sa Farm 1 ng kompanyang Marsman ang pilotong si Capt. Rotillo Fuentez nang biglang nagkaaberya sa makina ang minamanehong spray plane.

Nahirapan si Fuentez na kontrolin ang eroplano, na may body number na AGVAN RP R4416, dahilan ng pagbagsak nito.

Hindi nagtamo ng mga sugat at galos ang piloto pero nasira naman ang 47 bagong tanim na puno ng saging. 

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa naturang plane crash.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC

—Ulat ni Francis Magbanua

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.