PatrolPH

Bilang ng mga iniulat na patay sa pananalasa ng 'Maring' lumobo sa 30

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2021 04:41 PM | Updated as of Oct 14 2021 07:49 PM

Mula sa Baguio City Police Office
Mula sa Baguio City Police Office

MAYNILA - Lumobo na sa 30 ang naiulat na patay sa pananalasa ng bagyong Maring, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management. 

Batay sa huling tala ng NDRRMC, 19 ang kumpirmadong nasawi habang 11 ang bineberipika pa ang lagay sa ngayon.

Nawawala naman ang 14 iba pa habang tatlo ang sugatan. 

Umakyat na rin sa mahigit 50,000 pamilya ang apektado ng bagyo kabilang ang 15,000 indibidwal na lumikas sa mga evacuation center at iba pang lugar. 

Watch more on iWantTFC

Iniulat noong Miyerkoles na 13 katao ang namatay habang 3 ang nawawala sa Ilocos Sur. 

Iniisip din ng lokal na pamahalaan na ilagay sa state of calamity ang probinsiya, ayon kay Ilocos Sur Governor Ryan Singson. 

Nauna na ring narekober ang bangkay ng ilang kabataan sa landslide sa Baguio City. 

Pumalo na rin sa mahigit P1 bilyon ang pinsala sa agrikultura habang P66 milyon naman sa imprastraktura. 

Noon nang nabanggit na maglalaan ng pondo para sa relief assistance ang Department of Agriculture. 

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.