Delivery rider patay nang mabangga ng van sa Olongapo City

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2020 04:27 PM

Patay ang isang lalaki sa banggaan ng motorsiklo at van sa Olongapo City. Retrato mula kay Arjay Aldrian Racosas Teofilo

Patay ang isang delivery rider matapos mabangga ng van ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Olongapo City.

Nangyari ang aksidente sa zigzag na bahagi ng national highway sa Barrio Barretto sa Olongapo City pasado alas-9 ng umaga noong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang delivery man na taga-Abucay, Bataan.

Agad namang rumesponde ang rescue team at inalis ang van, na nakaipit sa biktima.

Itinakbo sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival.

-- May ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.