Retrato sa Baseco breakwater sa Tondo, Maynila noong Pebrero 3, 2019. George Calvelo, ABS-CBN News
MAYNILA — Kasabay ng pagsisimula ng blended learning sa gitna ng pandemya, nagpasa ang Antipolo City ng ordinansa para limitahan ang oras na maaaring mag-videoke ang mga residente.
Sa ordinansa na nilagdaan na nitong Miyerkoles ni Mayor Andeng Ynares, maaari na lang mag-karaoke sa Antipolo City mula alas-6 hanggang alas-9 gabi o 3 oras sa isang araw.
Ito ay upang maiwasan umano ang pag-iingay at mabawasan ang istorbo habang nagkaklase ang mga estudyante sa kanilang mga tahanan at maging ang mga nagtatrabaho sa ilalim ng work-from-home setup.
Bukod pa dito, ito ay para makapagpahinga din nang tahimik sa gabi ang lahat lalo na ang mga magulang na galing sa trabaho at paghahanapbuhay.
Bago nito, ilang lungsod na rin ang nagpatupad ng parehong ordinansa para na rin sa kapakanan ng mga estudyante.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, videoke, karaoke, Antipolo City, ordinansa, ordinance, blended learning, work from home, Antipolo