33 pamilya inilikas dahil sa rumaragasang baha sa Laguna; 1 nawawala

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2020 11:47 PM | Updated as of Oct 15 2020 08:27 AM

MAYNILA (UPDATE) - Nasa 33 pamilya ang inilikas matapos lumubog sa rumaragasang baha ang bayan ng Liliw, Laguna Miyerkoles ng gabi dulot sa pag-apaw ng karatig na ilog.

Ayon kay Liliw Mayor Erikson Sulibit, mag-aalas 7 ng gabi ng biglang tumaas ang tubig ng Lapad River dulot sa mga pag-ulan.

Ang mga pamilyang inilikas dahil sa pagbaha ay galing sa mga barangay ng Calumpang, Bayate at Oples.

Isang 35 anyos na lalaki naman ang nawawala sa Barangay Kanlurang Bukal.

Ayon kay Kevin Pamatmat, kagawad ng Bayate, naging mabilis ang pagtaas ng tubig sa Lapad River.

Ikinasa na ang search and rescue operation para sa nawawalang lalaki habang nasa mga evacuation center na ang mga apektadong pamilya.

Watch more in iWantTFC

 - May ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.