3 timbog sa droga sa Caloocan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2020 06:07 AM

MANILA - Arestado ang dalawang construction worker at isang basurero nang maaktuhan umano sa isang ilegal na drug session sa Camarin, Caloocan nitong Martes.

Nagsasagawa umano ng Oplan Galugad ang mga pulis sa Balintawak Street sa Camarin nang may isang lalaki ang lumapit sa kanila para isumbong ang naturang drug session sa loob ng isang bahay.

Huli sa akto ang mga suspek na nagsha-shabu umano.

Kulong ang tatlo sa Cadena de Amor Substation ng Caloocan City Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.