PatrolPH

Mga tagasuporta nina Robredo at Marcos, nagkampo sa harap ng Korte Suprema

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 10:09 PM | Updated as of Oct 15 2019 12:00 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sarado sa motorista ang Padre Faura mula sa kanto ng Taft Avenue hanggang sa tapat ng mall o sa kanto ng Maria Orosa Street nitong Lunes ng gabi.

Nagkampo at naglatag na ng banig sa kalsada ang mga tagasuporta nina dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., at Vice President Leni Robredo.

Isinara sa motorista ang bahagi ng Padre Faura St. simula Lunes ng umaga.

Martes inaasahan ang pasya ng Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal sa election protest ni Marcos sa pagkapanalo ni Robredo noong 2016.

Ang mga Marcos supporters ay nasa bahagi ng Faura mula sa kanto ng Taft hanggang bago sumapit sa Korte Suprema habang ang supporters ni Robredo ay nasa tapat ng DOJ.

May mga nakabantay na pulis sa pagitan ng dalawang grupo para maiwasang magpang-abot ang mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.