Magsisimba sana: 3 patay, 4 sugatan sa salpukan ng van, traysikel sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 03:58 PM

Tatlong magkakamag-anak ang patay, kabilang ang dalawang bata, habang 4 iba pa ang sugatan sa salpukan ng van at traysikel sa Binmaley, Pangasinan.

Ayon kay Binmaley police chief Brendon Palisoc, magsisimba lang sana ang 7 magkakamag-anak nang salpukin ng kasalubong na van na papuntang Lingayen.

Dead on the spot ang nagmaneho ng traysikel na si Leody Padua.

Binawian naman ng buhay nitong Lunes ang dalawang bata habang nananatili sa intensive care unit ng ospital ang apat na ibang sugatan.

Desidido ang mga kaanak ng biktima na kasuhan ang drayber ng van.

Humingi ng tawad ang drayber ng van.

Posible silang kasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide.

-- Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.