Kuha ni Jennylind Demerre
MAYNILA - Ikinabigla ng ilang residente sa La Carlota City sa Negros Occidental ang pag-ulan ng yelo sa kanilang lugar nitong Linggo ng hapon.
Ayon ni Jennylind Demerre, napansin na lang nilang may yelong kasama ang bumabagsak na ulan habang gumagawa sila ng isang bahagi ng swimming pool sa Barangay 3.
Paliwanag naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, epekto ng mainit na panahon ang hailstorm o pag-ulan ng yelo.
Nagkakaroon aniya ang inter-aksiyon ang init at lamig sa mga thunder cloud na siyang nagbubunga ng kidlat na bumabasag naman sa ulap.
Dahil mababa ang thunder clouds, hindi gaanong natutunaw ang yelo kaya minsay ay solidong yelo ang bumabagsak. -- ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.