Simbahan sa CamSur nasunog

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 09:24 AM

Natupok ang isang simbahan sa Camarines Sur. Larawan mula kay Aileen Sabao

BATO, Camarines Sir - Nasunog ang Lighthouse Bible Baptist Church sa Barangay San Vicente sa bayan na ito, Sabado.

Kuwento ng caretaker, malaki na ang apoy nang mapansin niya ito noong madaling-araw, dahilan para iilang gamit lamang ang maisalba niya.

Aniya, nanghihinayang siya dahil kakapagawa pa lang ng simbahan noong nakaraang taon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan at halaga ng pinsala ng insidente.

Gumawa naman ang ilang miyembro ng simbahan ng masisilungan gamit ang mga kawayan at tarp upang maituloy ang pagsimba ngayong Linggo.Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.