Sevilla Bridge binuksan na sa mga motorista

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 04:15 PM

MAYNILA - Matapos ang ilang oras na pagkaantala, binuksan na sa mga motorista ang Sevilla Bridge ngayong Linggo,

Ayon sa traffic enforcers, bago mag alas-12 ng tanghali, binuksan ang tulay na nag-uugnay sa Maynila at Mandaluyong.

Naantala ng ilang oras ang pagbubukas nito matapos umanong magkaaberya kaninang madaling araw.

Ngayon, naibalik na sa dati ang tulay at ligtas nang madaraananan ng mga motorista.

Una nang isinara ang Sevilla Bridge nitong weekend para sa ilang repairs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.