Marathon runner sugatan nang mabundol ng kotse sa Cebu

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 02:52 PM

Photo courtesy Jam Durado

CEBU CITY - Sugatan ang isang babaeng marathon runner matapos mabundol ng kotse sa kanto ng Jakosalem at P. Del Rosario Street, Linggo ng umaga.

Nagtamo ng mga sugat at pasa ang runner na si Hazel Conde at agad isinugod sa malapit na ospital. Stable na umano ang kondisyon nito, ayon sa mga awtoridad.

Kuwento ni PO1 Levi Ronnel Lipitin, paliko umano sa kanto ang sasakyan na minamaneho ng isang Abel Tanjay, 19, nang mabundol ang atleta.

Nagnegatibo naman sa liquor test ang drayber pero ayon sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nakatulog ito habang nagmamaneho kaya hindi agad nakita si Conde.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang inako naman ni Tanjay ang pagpapagamot sa nabundol niyang atleta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.