Mangingisda patay dahil sa kidlat sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 08:59 AM

LAPU-LAPU, Cebu - Patay ang isang mangingisda matapos tamaan ng kidlat sa karagatan ng Barangay Ibo sa bayan na ito, Sabado ng gabi.

Nangingisda ang biktimang si Danilo Cagang sa kasagsagan ng pag-ulan nang tumama ang kidlat sa kaniyang flashlight at dumaloy patungo sa bangka, ayon sa pulisya.

Sinubukan pang dalhin sa hospital si Cagang, pero patay na siya pagdating doon.

Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.