Lalaking nagyoyosi, nakuhanan ng 'shabu' matapos sitahin sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 08:05 AM

MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa lamang sila ng operasyon kontra kriminalidad sa Senatorial Drive nang madatnan nila ang suspek na naninigarilyo, na isang paglabag sa City Ordinance.

Nang kanila nang sisitahin ang suspek ay bigla raw itong kumaripas ng takbo at may tinapong 2 sachet na kalauna'y napag-alaman nilang naglalaman pala ng hinihinalang shabu.

Naaresto ang suspek at kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.