Lalaki, sugatan matapos tagain ng amain

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 10:50 PM

BALAYAN, Batangas - Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng kaniyang amain habang nag-iinuman sa bayang ito Sabado ng gabi.

Ayon sa kuwento ng mga kaanak na kasama sa inuman, nagkaroon umano ng alitan ang biktima at suspek bago nangyari ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na may alitan ang suspek at ang ina ng biktima. Isa ito ngayon sa kanilang tinitingnang motibo sa insidente.

Nakalabas na sa ospital ang biktima matapos gamutin ang mga sugat na natamo.

Hindi naman niya umano maalala ang pinag-ugatan ng pangyayari dahil sa kalasingan.

Naaresto na ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.