Babaeng nakagapos, nakitang patay sa loob karinderya sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 01:03 AM

DAVAO CITY—Nakitang patay sa loob ng karinderya sa lungsod na ito ang isang babae Sabado ng hapon.

Nagtaka ang mga residente dahil sa masangsang na amoy mula sa loob ng karinderya sa sa Nabua Street, Matina Crossing. Hindi nila ito agad nakita dahil nakasarado ang karinderya.

Nang buksan ng mga awtoridad, tumambad ang bangkay ng babae na nakagapos ang kamay at paa. May lubid ding nakatali sa kaniyang leeg.

Nakilala ang biktima na si Mercy Estillore, 43.

Ayon sa may-ari ng karinderya na si Dodong Nabua, matagal na umano nagrerenta ng kaniyang karinderya si Estillore at nagtaka siya kung bakit tatlong araw na itong hindi nagbubukas.

Dagdag pa niya, hindi niya binuksan ang karinderya dahil baka mapagbintangan siya kung sakaling may mawala rito.

Ayon naman sa katulong ni Estillore na si Nelia Anito, bago siya umalis sa karinderya noong Miyerkoles ng gabi ay kasama ng biktima ang kanyang pinsan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen gayundin ang responsable rito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.