Spray plane, bumagsak sa banana plantation

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2017 09:14 PM

Bumagsak ang isang spray plane sa banana plantation sa Barangay Tagpore, Panabo City, Davao del Norte nitong Sabado ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, napag-alamang nagsasagawa ng aerial spraying ang eroplano sa may Milagros Farms sa Barangay San Nicolas nang matunugan ng pilotong si Captain Domenico Venuti na may problema sa aircraft.

Wala namang sugatan sa insidente. 

Pag-aari ng Aerowurkz Aviation ang nasabing spray plane na bumagsak sa babana plantation.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.