Lalaki, nagulungan ng truck sa Malabon

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2017 06:01 AM

MALABON - Patay ang isang lalaki nang magulungan ng isang dump truck sa Potrero, Malabon Sabado ng madaling araw.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima.

Ayon sa truck driver na si Angelito Delos Angeles, galing siya sa Commonwealth at papunta ng Malabon para ideliver ang hinakot na tambak.

Pagdating niya sa lugar bandang alas-2 ng madaling araw, bigla na lang umanong tumalon sa harapan ng sasakyan ang lalaki. Nagulungan ng truck ang ulo ng biktima.

Mahaharap si Delos Angeles sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.