3 patay matapos araruhin ng oil tanker

Clarabelle Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2017 04:18 PM

Tatlo ang patay habang dalawa ang sugatan matapos araruhin ng oil tanker ang mga bahay sa Barangay Marber, Bansalan, Davao Del Sur, Byernes ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kent Roxas, 17-taong gulang, Aleah Marie Umagap, 3 taong gulang, at Milagrosa Salod, 65.

Dinala naman sa ospital sina Sophia Mainit, 7 taong-gulang at Angel Erebias, 16, matapos magtamo ng mga sugat at bali sa katawan.

Nagtamo din ng mga sugat sa katawan ang driver ng oil tanker si Jerald Pulpul.

Sa imbestigasyon ng Bansalan Police, galing Arakan North Cotabato at papuntang Davao City ang oil tanker. Nag-preno umano ang driver pagdating sa tulay sa Barangay Marber pero nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa gumewang-gewang ito at suyurin ang mga bahay sa tabi ng kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.