TFC News

Mga Pilipino sa Macau SAR, pinag-iingat kaugnay ng typhoon signal no. 8

TFC News Macau SAR

Posted at Oct 13 2021 12:05 PM

MACAU SAR -- Sinuspinde ng Konsulado ng Pilipinas sa Macau SAR ang kanilang operasyon, Miyerkules, October 13, 2021 bunsod na rin ito ng inilabas na anunsiyo ng gobyerno ng Macau patungkol sa Typhoon Signal No. 8 o T8 na tropical storm Kompasu.  

Dagdag pa ng Konsulado, kasalukuyan ding pinaiiral ang “blue” storm surge warning sa rehiyon. 

Pinaaalalahan ng Konsulado ang mga kababayan sa rehiyon na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon sa SMG official webpage at maging handa para sa mga sumusunod: 

  1. Panatilihing naka-charge ang mga cell phone 
  2. Maghanda ng “Go bag” na naglalaman ng extrang damit, pagkain, mga gamot, tubig at iba pang essentials 
macau
Paalala ng PH Consulate General sa mga PIlipino sa Macau SAR patungkol sa Typhoon Signal No. 8 Kompasu

Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa Macau emergency hotline sa 999 o kaya’y sa hotline ng Konsulado: +853 6698-1900. 

Bagamat suspendido ang kanilang operasyon dahil sa bagyo, sinumang naka-book ng appointment para sa overseas voting registration sa October 13 ay tatanggapin ng Konsulado kapag na-lift ang Storm Signal T8. Hanggang October 14, 2021 puwedeng magparehistro ang mga kababayan sa labas ng Pilipinas. 

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.