PatrolPH

400 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2021 08:06 PM

Higit-kumulang 200 na bahay ang natupok sa Zamboanga City nitong Miyerkoles. Contributed photo
Higit-kumulang 200 na bahay ang natupok sa Zamboanga City nitong Miyerkoles. Contributed photo

Nasa 200 na bahay ang natupok sa Zamboanga City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection sa lungsod, umabot sa 2nd alarm ang naturang sunog sa Purok 3B, Dacon sa Bgy. Recodo matapos magsimula ito ala-1 ng madaling araw.

Nagdeklara ng "fire out" ang mga bombero pasado alas-4 na ng madaling araw. 

Nasa 400 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog at aabot sa P4 milyon ang halaga ng pinsala.

Isa din ang nasugatan sa pagsiklab.
 
Iniimbestigahan pa ngayon ang sanhi ng sunog.

— Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.