Lalaking tinangay umano ng baha, natagpuang patay sa gilid ng creek sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2020 05:37 AM | Updated as of Oct 13 2020 07:26 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Natagpuang patay sa ang isang lalaki matapos siya umano tangayin ng baha sa isang creek sa Brgy. Talayan, Quezon City nitong Lunes.

Malakas ang buhos ng ulan kaya umabot ang baha sa unang palapag ng mga bahay sa Brgy. Talayan bago nadiskubre ang bangkay, ayon sa mga residente.

Bandang alas 6 ng gabi nang makita ng isang bata ang lalaki sa tabi ng creek.

Hindi kilala ang nasawi sa barangay. Wala ring tama ng baril o malalaking sugat. May mga gasgas lang na tinamo umano sa pagkaanod sa tubig.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, ilang beses na ring nangyayari ito sa kanilang lugar.

Nagdulot ng takot sa mga residente ang inanod na bangkay.

Pinroseso ng mga awtoridad ang insidente at sinabi na walang nakikitang foul play sa insidente.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaki.--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.