Bagong quarantine facility sa Muntinlupa City pinasinayaan

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2020 06:25 PM

MANILA - Binuksan na nitong Martes ang isang 144 bed isolation facillity sa Packwood sa Barangay Tunasan Muntinlupa City sa isang simpleng programa.

Sa container vans nakalagak ang mga unit sa isolation facility, na ilalaan para sa COVID-19 patients, suspect at probable cases, maging sa medical frontliners na magsisilbi sa pasilidad. 

May sariling restroom, air conditioning, kama, at hygiene supplies ang isolation facility. Lalagyan din ito ng WiFi connection. 

Sa ngayon may 4,476 confirmed COVID-19 cases sa lungsod, kung saan 4,125 ay gumaling na samantalang 148 ang namatay.

Isa pang isolation facility na may 200 bed capacity ang nakatakdang buksan sa lungsod.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.