Nasa 20 barangay sa Quezon City ang pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig simula nitong gabi ng Sabado hanggang umaga ng Linggo.
Mula alas-11 ng gabi ng Oktubre 13 hanggang alas-7 ng umaga ng Oktubre 14 mawawalan ng tubig sa mga barangay dahil isasara ang valve ng isang malaking transmission line ng Manila Water para sa ginagawang MRT-7 Project.
Mararanasan ng mahigit 40,000 kabahayan at establisimyento ang nasabing water interruption.
Narito ang mga apektadong barangay:
- Ramon Magsaysay
- Botocan
- Alicia
- Central
- Santo Cristo
- Malaya
- Bagong Pag-Asa
- Pinyahan
- Old Capitol Site
- Sikatuna Village
- Vasra
- San Vicente
- Project 6
- Teachers Village East
- Culiat
- Teachers Village West
- Bahay Toro
- UP Village
- Tandang Sora
- Pasong Tamo
Pinapayuhan ang mga residente sa mga naturang lugar na mag-ipon ng tubig.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, water interruption, tubig, Manila Water, #WalangTubig, Quezon City