'Tulak', patay sa buy-bust sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 04:05 AM | Updated as of Oct 13 2018 05:26 AM

MAYNILA - Patay ang isang hinihinalang tulak matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Cesar Arive, alyas Lupin, 36 anyos.

Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng Novaliches Police Station, nagpaputok umano ng baril ang suspek nang aarestuhin na sana siya.

Gumanti ng putok ang mga pulis na dahilan sa pagkamatay ni Arive.

Base sa inisyal na imbestigasyon, sangkot din umano sa ibang krimen ang suspek, gaya ng pagnanakaw.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril at sling bag. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.