Sevilla Bridge isasara, aayusin sa weekend: MMDA

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 04:57 PM

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara nila ang Sevilla Bridge na kumokonekta sa Mandaluyong at Maynila pagsapit ng alas-10 ng gabi Sabado hanggang alas-7 ng umaga Linggo. 

Paliwanag ng MMDA, kinakailangan din kasing maglipat ng mga crane sa kabila para sa pag-aayos ng naturang tulay. 

Payo nila sa mga motorista na maghanap muna ng alternatibong mga ruta. 

Kumpiyansa naman ang MMDA na hindi magdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar ang gagawing pagsara ng tulay. 

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.