Mag-asawa natagpuang patay sa saksak sa Iloilo

Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 10:40 AM

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ang mga bangkay ng mag-asawang Mamerto at Emma Camral sa loob ng kanilang bahay sa Iloilo. Larawan mula sa Alimodian Municipal Police Station 

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente ng pananaksak na ikinamatay ng mag-asawa sa Barangay Umingan, bayan ng Alimodian, Iloilo noong Miyerkoles ng gabi.

Sa loob ng kanilang bahay natagpuan ang mga bangkay nina Mamerto Camral, 62, at asawa nitong si Emma, 63.

Ang 13 anyos na apo ng mag-asawa ang nakadiskubre sa kanilang mga bangkay.

Hindi pa rin matukoy ng awtoridad ang mga salarin sa likod ng krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.