Lalaking nag-amok sa Makati pinagbabaril ng pulis

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 12:23 PM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga pulis dahil sa kaniya umanong pag-aamok sa Makati City, Sabado.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nanghabol ng mga tao ang 'di pa pinapangalanang lalaki habang may dalang ice pick, sabi ni Insp. JR Fajardo, commander ng Makati City Police precinct 3.

Napilitan ang mga pulis na barilin ang nasabing lalaki dahil maging sila ay sinugod umano nito, sabi ni Fajardo.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang dahilan kung bakit nag-amok ang nasabing lalaki.

Tumanggi naman ang mga pulis na pangalanan ang lalaki hangga't hindi pa naipapaalam sa mga kaanak nito ang nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.