Deliver boy pinagbabaril sa QC

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 10:45 AM

MAYNILA – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Bahay Toro, Quezon City, Sabado ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Jonard Labilla. 

Kuwento ng kapatid ng biktima, isang delivery boy ng pinya si Labilla.

Wala aniyang kaaway ang kaniyang kapatid.

Ayon naman sa mga residente, nagising sila sa sunod-sunod na putok ng baril. 

Pagsilip sa labas, doon na nila nakita ang biktimang nakabulagta.

Blangko pa rin ang Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District sa pagkakakilanlan ng salarin at motibo ng pamamaril. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.