7 aso nalapnos ang katawan sa Davao City matapos sabuyan umano na kemikal

Claire Cornelio at Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 10:46 PM | Updated as of Oct 14 2018 08:40 PM

Nalapnos ang iba't ibang parte ng katawan ng 7 aso sa Davao City matapos umanong sabuyan ng kemikal. Kuha ni Sonia Geli

DAVAO CITY—Naalarma ang mga residente ng Barangay Tibungco matapos malapnos ang katawan ng 7 aso dahil umano'y sinabuyan ng kemikal.

Nasaktan ang may-ari ng aso na si Juliet Faciol dahil halos di na makalakad ang kaniyang aso na si ChoyChoy dahil nagtamo ito ng fourth-degree burn sa tiyan.

Watch more in iWantTFC

Ayon kay Faciol, nakasanayan na niyang palabasin sa bahay ang kaniyang aso ngunit hinid niya akalain na sa pag-uwi nito ay may sugat na ito.

"Sakitan kaayo ko kay ginatas namo ni maski pobre mi mangita mi way makakaon siya," aniya.

(Nasasaktan ako dahil pinapainom pa namin siya ng gatas kahit mahirap kami naghahanap ako ng makakain niya.)

Nalapnos ang iba't ibang parte ng katawan ng 7 aso sa Davao City matapos umanong sabuyan ng kemikal. Kuha ni Sonia Geli

Ganundin ang sinapit ng anim pang aso na pagmamay-ari ng kapitbahay ni Juliet, tagos sa buto ang sugat at nasunog din ang kanilang balahibo.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang barangay sa sinapit ng mga aso.

Ayon kay barangay chairman Merjade Calvo dapat managot ang responsable sa nangyari.

"Ako pod nag-advise na dako inyong katungod nga mureklamo againsta atong tawhana kung naidentify man," aniya.

(Ako rin nag-advise na malaki ang kanilang karapatan na magreklamo laban doon sa tao kung nakilala man.)

Mayroonng pinagsususpetsahan ang mga residente na responsable sa insidente ngunit naghahanap pa sila ng dagdag na ebidensya.

Nagbigay naman ng gamot ng City Veterinarians Office kasama ang Davao Dog Rescue Volunteer group ang mga sugatang aso.

Haharap sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act ang nasa likod ng pagmamaltrato sa mga aso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.