370,000 naitalang lumabag sa mga lokal na batas: PNP

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 04:47 PM

Mahigit 370,000 ang naitalang lumabag sa mga ordinansa sa Metro Manila sa loob ng apat na buwan mula noong Hunyo, ayon sa pulisya.

Mula Hunyo 13 hanggang alas-5 ng umaga nitong Sabado, nasa 372,698 na ang nasita dahil sa paglabag sa city ordinances sa iba't ibang siyudad sa rehiyon, ayon sa datos na ipinalabas ni Metro Manila Police chief Director Guillermo Eleazar.

Ang karamihan sa mga nasita- aabot sa 116,449- ay dahil sa paglabag sa smoking ban.

Samantala, sa mga lumabag, 260,398 ang binigyan ng warning, 67,783 ang pinagmulta, 44,517 ang sinampahan ng reklamo at 19 naman ang nakulong.

Ito ang resulta ng direktiba ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde at Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilis ang pagpigil sa anumang krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.