2 kawani ng Negros Occidental provincial government positibo sa droga

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2018 10:34 AM

Dalawa sa 600 kawani ng Negros Occidental Provincial Government ang nagpositibo sa droga. Nico Delfin, ABS-CBN News

BACOLOD CITY – Dalawang empleyado ng Negros Occidental Provincial Government ang nag-positibo sa paggamit ng ilegal na droga base sa resulta ng isinagawang random drug testing noong nakaraang linggo.

Ayon kay Annabel Palic ng Provincial Human Resource and Management Office, dadaan sa confirmatory test ang dalawa sa mga empleyadong nag-positibo bago pa man sila isailalim sa imbestigasyon.

Maari din silang dumaan sa counseling at rehabilitation.

Pero kung iiwas sa proseso ang mga ito, posible silang makasuhan ng insubordination at tuluyan nang maalis sa serbisyo, dagdag ni Palic.

Ang mga government employee ay kailangang magpa-drug test sa loob ng dalawang taon, base sa civil service rules.

Kasama sa mga boluntaryo na nagpa-drug test si Vice Governor Eugenio Lacson na nag-negatibo naman sa ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.