#WalangPasok: Martes, Oktubre 12 dahil sa bagyong Maring

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2021 02:25 AM | Updated as of Oct 12 2021 07:43 AM

MAYNILA (UPDATE) —Suspendido ang klase at trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Benguet ngayong Martes, Oktubre 12, dahil sa masamang panahong dala ng bagyong Maring.

Suspendido ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa mga bayan ng La Trinidad, Kapangan at Tuba sa Benguet.

Suspendido din ang klase sa lahat ng antas sa bayan ng Tuba.

Samantala, inanunsyo ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na sinuspende na rin trabaho ng mga government at private worker dala ng masamang panahon.

Nakakaranas ng pagbaha sa ilang bahagi ng Cagayan, Benguet at La Union dahil sa patuloy na pag-ulan.

Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • hilagang bahagi ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon)
  • Apayao
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur 

Nakataas naman ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • natitirang bahagi ng Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Ifugao
  • Benguet
  • La Union
  • Pangasinan
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Zambales
  • Pampanga
  • Bulacan
  • hilagang bahagi ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)
  • hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Polillo Islands 

Patuloy na magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyong Maring sa mga lalawigan sa hilagang Luzon.

Nauna nang nag-landfall ang bagyo sa Fuga Island sa Cagayan. Inaasahang lalabas ito ng Philippine area of responsibility Martes.