P6.8 milyong halaga ng shabu nasabat sa Angeles City

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2021 12:06 AM

Kuha ng PNP PRO-3
Kuha ng PNP PRO-3

Nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes.

Ayon sa Angeles City Police Office, ikinasa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Henson St. sa harap ng isang istasyon ng bus, sa Brgy. Lourdes Northwest na nagresulta sa pag-aresto ng isang 30-anyos na suspek na kinilalang "Jeff".

Taga-Quezon City umano ang nahulihan ng shabu na may bigat na isang kilo.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa nahuling suspek.

— Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC