PatrolPH

Lalaki nahulihan ng 'shabu' matapos tumakas sa Davao City checkpoint

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2021 06:19 PM

Kuha ng Davao City Police Office
Kuha ng Davao City Police Office

DAVAO CITY — Nahulihan umano ng ilegal na droga ang isang lalaki matapos siyang tumakas mula sa isang border checkpoint sa Brgy. Bunawan sa lungsod na ito, Martes ng umaga.

Sakay sa isang SUV ang 39-anyos na suspek, na isang negosyante mula Tagum City.

Pinaharurot umano ng suspek ang sasakyan nang pinatitigil ito, pero bumangga siya sa isang gas pump ng isang gasolinahan kaya nahuli.

Natagpuan umano sa sasakyan niya ang dalawang maliit na sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nasa kustodiya na ng Bunawan Police Station ang suspek.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.