PatrolPH

Ilang bayan sa Ilocos Sur binaha dahil sa Bagyong Maring

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2021 12:33 PM

Ilang kalsada sa Ilocos Sur nagmistulang ilog dahil sa baha 1
Ilang kalsada sa Ilocos Sur nagmistulang ilog dahil sa baha 2
Ilang kalsada sa Ilocos Sur nagmistulang ilog dahil sa baha 3
Ilang kalsada sa Ilocos Sur nagmistulang ilog dahil sa baha 4
Ilang kalsada sa Ilocos Sur nagmistulang ilog dahil sa baha 5
Ilang kalsada sa Ilocos Sur nagmistulang ilog dahil sa baha 6
Ilang kalsada sa Ilocos Sur nagmistulang ilog dahil sa baha 7
Mula kay Frances Ivy Carasi at Christian Valdez Garcia
Mula kay Frances Ivy Carasi at Christian Valdez Garcia
Mula kay Frances Ivy Carasi at Christian Valdez Garcia
Mula kay Frances Ivy Carasi at Christian Valdez Garcia
Mula kay Frances Ivy Carasi at Christian Valdez Garcia
Mula kay Frances Ivy Carasi at Christian Valdez Garcia
Mula kay Frances Ivy Carasi at Christian Valdez Garcia

Nagmistulang ilog ang ilang bahagi ng Ilocos Sur dahil sa malakas na ulan na dala ng Bagyong Maring.

Sa lungsod ng Candon, binaha ang ilang bahagi ng Barangay San Nicolas at Barangay Oaig Daya. 

Sa Narvacan naman, binaha ang Barangay Sta. Lucia.

Sa 8 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometro bawat oras pakanluran.

Nasa tropical cyclone wind signal number 2 ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, ang hilagang bahagi ng Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon), Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Signal number 1 naman sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, ang hilagang bahagi ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa), at ang hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama ang Polillo Islands. 

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC

— May ulat ni Grace Alba

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.