PatrolPH

COVID-19 cases sa Nueva Vizcaya bumababa, ayon sa gobernador

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2021 07:55 AM | Updated as of Oct 12 2021 08:30 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA—Unti-unti nang bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya, ayon kay Governor Carlos Padilla.

Sa panayam sa TeleRadyo Martes, sabi ni Padilla na umabot sa 1,504 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang probinsya noong October 6, ngunit bumaba ito sa 1,457 noong October 7. 

Patuloy itong bumaba sa 1,289 noong October 9 at 1,083 nitong October 10.

Nasa 732 na lang ang aktibong kaso sa lugar nitong Lunes, ani Padilla.

“Sana tuloy-tuloy na ito para sa ganoon medyo ma-relieve naman nang kaunti ang facilities natin, pati mga health workers natin,” aniya. 

Unti-unti na ring bumabalik sa normal ang supply ng oxygen sa lalawigan, dagdag ng gobernador.

Nasa 12 hanggang 15 porsiyento pa lang ng kanilang populasyon ang nababakunahan, pahayag ni Padilla. 

“Ang isa sa mga pinagtibay na resolusyon ng provincial task force naming ay upang humingi ng additional supply ng bakuna mula sa national government, particularly ang (Department of Health),” sabi niya.

“Siguro kung ma-normalize din ang supply ng bakuna, lalo naming madadagdagan ang bilang ng mga mababakunahan.” — Teleradyo, 12 October 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.