Magpipinsang naghihiraman ng gadget para sa klase binigyan ng tablet

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2020 07:25 PM | Updated as of Oct 12 2020 09:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sa gitna ng kahirapan at kawalan ng sapat na tulong mula sa pamahalaan, sinisikap ng magpipinsan na nakatira at nag-aaral sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Quezon City ang mairaos ang distance learning. 

Wala pang alas-7 ng umaga nitong Lunes, nakasuot na ng school uniform at sabik na sa klase ang magpipinsan.

Kung noong nakaraang linggo kasi ay pahirapan para sa kanila ang makapag-attend ng online classes dahil wala silang sariling gadget, ngayon ay magiging mas magaan na ang paggawa ng kanilang aralin matapos nilang makatanggap ng tulong.

Laking tuwa nila nang hatiran sila ng bagong tablet at school supplies nitong Lunes sa tulong ng programang Kabayan Noli de Castro sa TeleRadyo. 

"Maraming, maraming salamat po dito... Ngayon magkakanya-kanya na sila. Nagsha-share lang po kasi sila, may grade 2, 3, 4. Iyong grade 4 lang ang may cellphone tapos hiram pa. Ngayon magkakanya-kanya na sila, magagawa na po nila ang tamang pag-aaral," sabi ni Jude Recio, ama ng isa sa mga bata. 

"Pag-iingatan po namin ito," dagdag niya. 

Dahil sa bagong tablet, mas madali na para sa magpipinsan tuwing nagkakasabay ang kanilang mga online class.


—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.