22 anyos na babae nalunod sa ilog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2020 10:28 AM

DAVAO CITY - Nalunod ang isang 22 anyos na babae habang naliligo sa ilog sa Barangay Sibulan, Toril, Davao City nitong Linggo.

Ayon sa mga awtoridad, naabutan ng baha ang biktima bunsod ng pag-ulan.

Nagpaalala ang Toril police sa publiko na mag-ingat kung naliligo sa mga ilog o waterfall. Posible kasi ang mga pagbaha lalo na ngayong tag-ulan. 

Isang low-pressure area o LPA ang namataan 670 kilometro ng Hinatuan, Surigao del Sur alas-3 ng madaling araw ng Lunes. 

Ayon sa PAGASA, posibleng maging bagyo ang LPA sa loob ng 48 oras.

Bukod sa LPA, apektado rin ng habagat ang Mindanao hanggang sa Central Luzon.

Patuloy na nakaapekto sa bansa ang bagyong Nika na palabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) kaya’t makakaranas ng mga pag-ulan sa buong Pilipinas. 

- Ulat ni Vina Araneta 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.