DA: Tulong sa mga hog raiser na naapektuhan ng ASF, dadagdagan

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2019 11:57 PM

George Calvelo, ABS-CBN News

Itataas na ang cash assistance na ibibigay sa lahat ng mga hog raisers sa bansa na naapektuhan ng African swine fever, ayon sa Department of Agriculture.

"Pina-approve ko sa Gabinete at inaprubahan nila. Itataas namin 'yung P3,000 to P5,000 per head," ani Agriculture Secretary William Dar.

Ayon sa kalihim, makatatanggap ang mga nauna nang binigyan ng ayuda ng nasabing dagdag na cash assistance.

Nakiusap si Dar sa mga hog raisers na huwag itago ang mga baboy nila kung kakailanganin i-cull, lalo na kung may African swine fever na ang mga ito.

—Ulat ni Darlene Gemino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.