Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority na magkakaroon ng road blocking o pagkukumpuni sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong weekend.
Nagsimula ang pagkukumpuni noong Biyernes, Oktubre 11 at magtatagal ito hanggang Oktubre 14, Lunes.
Narito ang mga apektadong lugar.
SOUTHBOUND:
• EDSA Panorama Bldg. hanggang Bansalangin St. (unang lane mula sa bangketa)
• EDSA pagkatapos ng Mo. Ignacia (ika-2 lane mula sa bangketa)
• EDSA kaharap ng BRIO Tower (ika-3, ika-4, at outer lane)
• EDSA sa harap ng Camp Crame Gate (unang lane mula sa bangketa)
• EDSA Annapolis St. papuntang V.V Soliven (ika-2 lane mula sa bangketa)
• G. Araneta mula T. Arguelles hanggang Bayanin (unang lane mula sa bangketa)
EASTBOUND:
• Quirino Highway bago mag-Belfast Road (outer lane)
• General Luis St. Rebisco Road hanggang SB Road
• Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika (ika-2 lane mula sa palabas na bangketa)
WESTBOUND:
• Novaliches General Luis St. Samote St. hanggang SB Road
NORTHBOUND:
• A. Bonifacio Ave. Sgt. Rivera hanggang J. Pineda (ika-2 lane mula sa bangketa)
• Katipunan Ave./C-5 pagkatapos ng C.P Garcia St. (truck lane)
• EDSA Quezon City pagkatapos ng Aurora Blvd. hanggang New York St. (ika-3 lane mula sa bangketa)
Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap na lang muna ng mga alternatibong ruta.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, reblocking, road reblocking, EDSA. Novaliches, Katipunan, Quezon City, Camp Crame