5 menor de edad, timbog sa pag gamit ng marijuana sa Zamboanga

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2019 10:55 AM

ZAMBOANGA CITY - Timbog ang 5 menor de edad matapos maaktuhang gumagamit ng marijuana dito sa lungsod, Sabado.

Sabay na nagpapatrolya ang mga sundalo at pulis bilang paghahanda sa pista sa lungsod nang mapansin nila ang grupo na nagtitipon sa isang bahagi ng Barangay Sta. Barbara ng hatinggabi.

Ilang tuyong dahon ng marijuana ang narekober mula sa mga suspek na pawang mga menor de edad.

Nanawagan si Barangay Kagawad Carlsum Maulana sa mga magulang sa kanilang barangay na huwag pabayaan ang kanilang mga anak sa labas ng bahay kapag dis-oras na ng gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.