5 menor de edad huli sa paggamit ng marijuana sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2019 05:00 AM

ZAMBOANGA CITY—Nasa kustodiya ng pulisya ang 5 menor de edad matapos umanong maaktuhang gumagamit ng marijuana sa Sta. Barbara, Zamboanga City Sabado ng hatinggabi.

Nagpapatrolya ang mga pulis at sundalo bilang paghahanda sa pista ng lungsod nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng mga kabataan.

Narekober sa kanila ang ilang tuyong dahon ng umano'y marijuana.—Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.