Lalaki, binaril sa ilalim ng footbridge sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2018 07:50 AM

Pinagbabaril ang isang lalaki habang nasa tindahan sa ilalim ng footbridge sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City. 

MAYNILA - Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa ilalim ng footbridge sa westbound lane ng Commonwealth Avenue, Barangay Holy Spirit sa Quezon City, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala lamang ang suspek bilang si alyas Melvin.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, umiinom ang biktima sa tindahan sa ilalim ng footbridge nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman.

Dead on the spot ang biktima bunsod ng mga tama ng bala sa balikat, ulo at katawan.

Ayon sa tindera, nakarinig sila ng apat na putok ng baril at nakita ang isang lalaki na naka-itim na pants at leather jacket at face mask na itim. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.