TINGNAN: Pawikan na-rescue sa Ormoc

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 04:15 PM

Courtesy: Lalaine Jimenea

ORMOC CITY, Leyte - Isang pawikan ang na-rescue sa bayang ito Miyerkoles ng gabi matapos itong ma-trap sa mga bunuan o fish coral.

Agad na nai-turnover sa Fisheries Division ang pawikan na nakita ng mangingisdang si Pablo Amorin sa Barangay Naungan. Sinuri din ang pawikan na napag-alamang isang green sea turtle.

Mahigit sa isang metro ang haba nitong pawikan at may bigat na nasa 150 hanggang 200 kilograms.

Pakakawalan na ang pawikan sa Biyernes o Sabado matapos na masigurong ito ay malusog.

Binigyan naman ng Lokal na Pamahalaan ng Ormoc ng pinansyal na tulong na P4,000 ang may-ari ng bunuan, upang ito ay maipaayos nilang muli.