PatrolPH

Chavit Singson nag-withdraw ng kandidatura sa pagka-bise gobernador sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2021 01:04 PM

Mula sa PIA Ilocos Sur
Mula sa PIA Ilocos Sur

Nag-withdraw ng kaniyang kandidatura bilang vice governor ng Ilocos Sur si Narvacan Mayor Chavit Singson.
 
Makakalaban sana niya ang kaniyang anak na si Ilocos Sur Governor Ryan Singson.

Ayon kay Chavit, umatras siya sa pagtakbo sa Halalan 2022 para sa pagkakaisa ng kaniyang pamilya. 

"Natanggal na lahat ng intriga... Masaya ako dahil ang importante magkaibigan na sila Ronald at Ryan. Natanggal na lahat ng intriga. Maraming intriga ang politics. I am happy, nag-usap na ang magkapatid. 'Yun lang ang hiningi ko," ani Chavit.

Kinumpirma rin ni Chavit na nag-withdraw na rin sa pagtakbo bilang gobernador si Patch Singson, na misis ni Ryan.

Watch more on iWantTFC

—Ulat ni Grace Alba

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.