PatrolPH

Lalaking pugot ang ulo natagpuan sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2021 12:05 PM

Lalaking pugot ang ulo natagpuan sa Iloilo
Lalaking pugot ang ulo natagpuan sa Iloilo

Iloilo—Naaagnas na nang matagpuan ang pugot na katawan ng isang lalaki sa Barangay Tahing, Calinog, Iloilo nitong Linggo.

Sa imbestigasyon ng Calinog PNP, natagpuan ng mga residente ang pugot na katawan sa masukal na bahagi ng lugar dahil sa masangsang na amoy.

Kaagad na ipinagbigay alam ito ng mga residente sa mga barangay officials at pulisya.

Hindi kalayuan sa katawan ng biktima ay natagpuan naman ng mga awtoridad ang ulo nito.

Nakasuot na maong na pantalon ang biktima pero walang damit na pang-itaas.

Nasa 40 hanggang 50 anyos umano ang biktima, ayon sa mga awtoridad.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng biktima.

Posible umanong dayo sa lugar ang biktima dahil walang may naiulat sa lugar maging ang mga kalapit na mga barangay na may nawawala silang residente.

Patuloy rin ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen. — Ulat ni Rolen Escaniel

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.