PatrolPH

24 bahay napinsala, barko sumadsad sa Davao Oriental dahil sa Bagyong Maring

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2021 11:02 PM

Kuha ng Davao Oriental provincial government
Kuha ng Davao Oriental provincial government

Isang malaking fishing vessel ang sumadsad habang maraming bahay ang napinsala dahil sa malalaking alon sa mga bayan ng San Isidro at Governor Generoso sa Davao Oriental, Linggo ng gabi.

Batay sa imbestigasyon ng provincial disaster risk reduction and management office, hindi naman nasira ang barkong FB Leeward matapos sumadsad sa dalampasigan sa Brgy. Tibanban sa Governor Generoso.

Rumesponde ang Philippine Coast Guard sa mga sumbong ng residente na nagkaroon ng oil spill, pero patuloy pa ang imbestigasyon.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Davao Oriental, ito'y epekto ng Bagyong Maring.

Nasa 24 na bahay naman ang nasira sa San Isidro at Gov. Generoso dahil sa malakas na alon at hangin.

Aabot sa 769 na pamilya ang inilikas pero bumalik din sa kanilang tirahan batay sa abiso ng LGU.

Patuloy naman ang assessment ng PDRRMO sa epekto ng bagyo.

— Ulat ni Hernel Tocmo


KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.