Pirma Kapamilya, nagtungo sa Caloocan

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2020 10:34 AM

Supporters sign the Pirma Kapamilya petition at a booth set up by volunteers and residents at the Mary Help of Christian Parish church in Maypajo, Caloocan City on October 11, 2020. Gigie Cruz, ABS-CBN News

MAYNILA - Kahit na pabugso-bugso ang ulan, umarangkada pa rin ang Pirma Kapamilya caravan nitong Linggo.

Nasa 12 sasakyan at motorsiklo ang sumali sa motorcade mula ABS-CBN Compound sa Quezon City papuntang Caloocan City.

Layunin ng caravan na makalikom ng suporta at mga pirma mula sa registered voters sa Caloocan. Ang pirma ay para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN sa pamamagitan ng people's initiative. 

Nagsimula itong kampanya matapos tanggihan ng Kongreso na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong Hulyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.